Paano makakatulong ang Paragis tea para maiwasan ang sakit sa bato? |
Ano ang Bato o kidney?
Ang kidney o bato ang nagsasala sa iba’t-ibang bagay na dumadaloy sa loob ng katawan tulad ng dugo, pagkain at tubig. Dahil dito, ang katawan ay nalilinisan at natatanggalan ng mga dumi o toxin. Kung hindi nagagampanan ng bato nang maayos ang tungkulin nito, ang tawag dito ay sakit sa bato o chronic kidney disease. Ang karamdamang ito ay maaaring magresulta sa pagbuo ng kidney stones at edema. Kapag hindi ito maagapan, tutuloy ito sa kidney failure, isang kondisyong nakamamatay.
Maraming uri ang maaaring maging karamdaman ng bato ngunit kapag sinabing “sakit sa bato,” ang karaniwang ibig sabihin ay chronic kidney disease. Maraming komplikasyon ang sakit na ito dahil hindi nasasala nang maayos ang mga dumi sa loob ng katawan.
Ano ang mga Palatandaan na ikaw ay may sakit sa bato o kidney Disease?
- madalas na nilalagnat
- giniginaw at nagsusuka
- masakit at pagkonti ng-ihi
- pagsakit ng tagiliran
- pagsakit ng tiyan at puson
- ihi na kulay tsaa o “coke”, mapula at mabula
- pamamanas ng talukap ng mga mata, mukha, tiyan, mga binti at paa
- nakakaramdam ng hirap sa paghinga
- altapresyon
- pagkahilo, pagsakit ng ulo
- pag-itim at pangangati ng balat
Kapag hindi kaagad nabigyan pansin ang mga nabanggit na sintomas ng sakit, ang mga ito ay maaaring magdulot ng renal failure. Ito ay kondisyon kung saan ang bato ng pasyente ay tuluyang nasisira at ang dugo ay unti-unting nalalason. Ito ay kondisyon na kung saan wala nang ganap na kakayahan ang dalawang bato na gawin ang kanilang mga tungkulin. Karaniwan itong makikita sa ESRD kung kailan ang pasyente ay nangangailangan na ng dialysis o kidney transplant.
Paano maiiwasan ang sakit sa Bato o kidney Diseases?
- Pagtigil sa Paninigarilyo at Pagbawas sa Pag inom ng Alak
Dahil ang paninigarilyo ay maraming masamang epekto sa katawan, ang pagtigil sa bisyong ito ay malaki ang benepisyo sa mga may sakit sa bato. Ang totoo, ayon sa ilang pag-aaral ay mas napapasama ng paninigarilyo ang sakit sa bato. Ang pag-inom ng alak ay dapat ding bawasan o tigilan.
- Iwasang kumain ng mga Pagkaing sobra ang Alat
Rekomendado para sa mga may sakit sa bato na 6 grams lamang ng asin ang makokomsumo sa isang araw. Iwasan ang mga pagkain na maaalat gaya ng mga pagkain na madaming toyo at patis, daing at tuyo, mga keso at cheese spread, mga seasoning at flavouring na artipisyal, mga karne, at iba pa.
- Pag-eehersisyo ng regular
Ayon sa maraming pag-aaral, ang pag-eehersisyo ng limang beses sa isang linggo, ng 30 minuto hanggang 1 oras kada ehersisyo, ay malaki ang maitutulong para mapababa ang blood pressure (presyon ng dugo) at mapabagal o mapahinto ang sakit sa bato.
- uminom ng 8-10 basong tubig araw-araw
- ugaliin ang kalinisan sa pangangatawan
- dumumi araw-araw
- huwag pigilin ang pag-ihi
- isangguni sa doktor ang anumang impeksyon sa lalamunan at balat
- huwag paglaruan ang maseselang bahagi ng katawan tulad ng ari
- kumain ng pagkaing masustansiya
- magpakuha ng presyon ng dugo dalawang beses sa loob ng isang taon
- kompletuhin ng bakuna ang mga bata. May mga sakit na nakasisira ng ating bato na maaaring mapigilan ng pagbabakuna
- ugaliin ang taunang pagpapasuri ng ihi
Sources:
Paano makakatulong ang Paragis sa sakit sa Bato o kidney Disease?
Ang Paragis ay ANTIOXIDANT. ito ay may mga bitamina gaya ng A, C at E at mga sustansyang makakapagpalakas ng resistensya ng tao upang makaiwas sa simpleng ubo at sipon na maaaring magtuloy sa kanser. Ito ay naglalaman ng mabisang mga sangkap na tulong para makaiwas sa mga sakit na may kinalaman sa dugo, mga ugat at puso. Nahahadlangan din ng patuluyang paggamit ng paragis ang stroke at iba’t ibang uri ng kanser. Dahil sa ang paragis ay antioxidant, tulong din ito para makaiwas sa mga pinsala sa DNA na dulot ng free radicals. hinahadlangan din ng paragis ang paglaki at pagrami ng mga cancer cells sa katawan ng tao.
Nagtataglay din ito ng NATURAL DIURETIC. na nag-aalis ng fluid at salt sa katawan. pinpaihi ng pinapaihi ang tao para mailabas ang mga salty fluid sa katawan. Maaari ring mailabas ang liquid na ito sa pamamagitan ng pagpapawis na nagpapalabas ng mga toxins.
Maliban sa antioxidant at natural Diuretic, mayroon din itong ANTI-DIABETIC. mababawasan ang risk ng pagkakaroon ng sakit sa bato kung normal ang blood sugar level. at maiwasan ang pagkakaroon ng diabetes.
Mayroon din itong taglay na CYTOTOXIC PROPERTIES. pinapatay nito ang mga cancer cells o ang mga infected na cells.
Paghahanda ng Paragis tea:
- Siguraduhin mong naalis mo na ang lahat na ugat ng paragis
- Hugasang mabuti ang damo
- Ilagay ang buong katawan ng damo (tanggal na ang ugat syempre) saq isang kaserola o kaldero. Mas maganda kung meron kayong palayok na pwedeng gamitin para dito.
- Maglagay ng isang litro ng tubig sa paglulutuan, ito man ay kaserola, kaldero o palayok
- Pakuluan ito sa loob ng sampung minuto
- Pakatapos itong pakuluan, isalin ito sa isang malinis na lalagyan para hindi ito masira
- Pwede mo na itong inumin.
Kung wala ka namang oras para maghanap ng piling piling halamang gamot na paragis sa inyong lugar maaari mong subukan ang aming produkto. Ito ay siguradong malinis, natural at puro. Sinadya naming wag haluan ng pampatamis para wag mawala ang natural nitong taglay. Subukan nyo ang aming produktong Paragis tea by Chef Ayb’s herbal tea.
Pano ito inumin?
Ang gagawin mo lang, mag prepare ng isang tasa na may lamang mainit na tubig para sa nga matatanda at maligamlam para sa mga bata. ilagay ang tea bag sa tasa at hayaang nakababad ng 5minuto bago inumin. 2-3 times pwedeng gamitin ang isang tea bag. Maaring uminom ng paragis tea ng 2-3 beses sa loob ng isang araw.
Tip:
Mabisang uminom ng paragis tea isang oras bago kumain.
Para bumili ng aming produkto maaari nyo kaming makontak sa mga sumusunod:
SMART +63 998 791 4784
GLOBE +63 997 112 4392
Like and share our social media accounts!
Facebook Account:
FacebookPage:
Messenger:
Instagram:
Twitter:
Tumblr:
No comments:
Post a Comment